NABIGO | Opposition Senators, bigong sumipot sa oral arguments ng Korte Suprema kaugnay ng pagkalas ng Pilipinas sa ICC

Manila, Philippines – Nabigo ang Opposition Senators na humarap sa oral arguments ng Korte Suprema kaugnay ng pagkalas ng Pilipinas sa International Criminal Court withdrawal

Humirit ang ilang opposition senator sa pangunguna ni Senador Francis Pangilinan na sa susunod na oral arguments na lamang sila haharap

Ipinaabot ito ni Atty Anna Marie Corominas sa kanyang isinumiteng manifestation sa pagsisimula ng Oral Arguments ngayong hapon


Ayon kay Corominas, kailangan pang pag-usapan ng mga petitioner na opposition senators kung sino ang itatalaga nilang kinatawan sa deliberasyon.

Tinanggap naman ito ng Korte Suprema sa pangunguna ni Chief Justice Teresita Leonardo-De Castro.

Facebook Comments