Naga City//Nagtatanim ng Kamote, Nakahukay ng GRANADA!!! Malapit sa Bahay ni VM Nene DeAsis

Abala sa pagbubungkal ng lupa para magtanim na kamote si Mang Domingo Cedro nang mabulaga siya sa kanyang nakita sa lupang binubungkal… Nahawakan pa niya ito… Granada!!! Saka binitawan.
Naganap ang insidente kaninang umaga sa barangay Cararayan, Naga City; – malapit lang sa residencia ni Naga city VM Nene De Asis.
Hindi naman sumabog ang nasabing bagay na medyo may kalumaan at medyo kinakalawang na.
Kaagad namang ipinaalam ito ni Mang Doming kay VM De Asis na kaagad namang inireport sa kapulisan.
Kaagad namang rumesponde ang PNP Naga Bomb Squad sa pangunguna ni PCapt Randy Ricafrente i-dispose ng maayos ang nasabing Granada.
Ipinahayag din ni Ricafrente na kapag may mga ganitong sitwasyon, dapat isipin kaagad ang safety sa pamamagitan ng paglayo sa nasabing bagay at agarang pag-report sa pulisya upang ma-dispose na ligtas at maayos ang nasabing delikadong bagay.
Credit: Report and photos – RadyoMaN Paul Santos





Facebook Comments