Patuloy ang pagdami ng mga kaso ng HIV-AIDS sa Bicol.
Nangunguna sa talaang ipinalabas ng DOH Region 5 ang Naga City na may 71, samantalang 10 naman sa Iriga, 6 sa mga bayan ng Baao, Magarao atg ilan pa sa Calabanga, Goa at Ragay, at karagdagang 9 pa ang unknown.
Samantala, sa loob lamang ng 5 buwan simula January – May 2017, 21 cases na kaagad ang nairehistro sa probinsiya pa lamang ng Camarines Sur at kabuuang 89 sa buong Region 5.
Ayon sa pahayag ni Dr. Rey Millena ng DOH Region 5, lubhang nakakaalarma ang paglobo ng bilang ng mga HIV cases sa rehiyon sa kabila ng kampanya ng DOH laban dito, pagpapatupad ng programa at pagpapakalap ng impormasyon na libre ang pagpaeksamen sa lahat ng City Health Offices sa rehiyon.
Patuloy din ang panawagan ng DOH na mag-ingat sa HIV AIDS at iwasan ang pagkakaroon ng unsafe sex and multiple partners.
Naga City, Topnotcher sa HIV-AIDS sa Bicol
Facebook Comments