Cauayan City, Isabela – Dapat na ipagpatuloy at lalong paigtingin ng husto ang kampanya sa ipinagbabawal na droga sa kabila na nalagasan ng isang opisyal ang hanay ng kapulisan dito sa rehiyon dos.
Ito ang naging pahayag ni Police Regional Director Jose Mario M. Espino sa naganap na pagpaslang sa hepe ng PNP Mallig kaugnay sa kampanya na war on drugs sa bansa.
Sinabi pa ni Police Chief Superintendent Espino na hindi rin maging kumpiyansa ang lahat ng pulis sa kanilang mga kaligtasan dahil may mga pagkakataon na manlaban ang mga target o suspek sa droga.
Dahil dito muling binigyan diin ni PNP Regional Director Espino na isa sa programa ng National Police na mabigyan ng personal bullet vest ang bawat police station upang magamit sa mga importanteng operasyon.
Kabilang din umano ang pagbigay ng sapat na patrol car sa mga police station sa rehiyon kung saan unang nakatanggap ang PNP Batanes at sumunod ang PNP Mallig.
Samantala bumisita rin si Pangulong Duterte kahapon dito sa lalawigan ng Isabela upang magbigay pugay sa nasawing hepe ng Mallig, nagbigay ng parangal at pinansyal na suporta sa pamilya ni late Major Michael Tubaña.