Mahigpit na pinapaalalahanan ng Cauayan City Agriculture Office ang mga magsasaka na nakatanggap na ng hybrid rice seeds na huwag itong ibenta sa mga kapwa farmers.
Kasunod ito ng ilang kumakalat na impormasyon sa ibang lugar na mayroon umanong nagbebenta ng kanilang mga natanggap na binhi.
Ayon kay Engr. Ricardo Alonzo, City Agriculture Officer ng Lungsod ng Cauayan, sa kanilang pag-iikot sa mga Farm Supply ay wala pa naman aniya silang namonitor na ganitong insidente dito sa Siyudad subalit sinabi nito na dapat pahalagahan at gamitin ang mga ibinibigay na ayuda ng gobyerno.
Kinakailangan aniya na ingatan at itanim ang mga natatanggap na binhi para sa mas masaganang ani at mas malaking kita.
Babala nito sa mga benepisyaryo na mahuhuling magbebenta ng nakuhang binhi ng palay na matatanggal agad sa listahan at hindi na makakatanggap pa ng tulong mula sa DA.
Facebook Comments