PBBM, inimbitahan sa World Economic Forum sa Switzerland; pangulo pinag-iisipan pa kung dadalo

Imbitado sa gaganaping World Economic Forum sa Davos, Switzerland si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ito ang inanunsyo ng Office of the Press Secretary kung saan siya ay inimbitahan ni World Economic Forum (WEF) Founder and Executive Chairman Klaus Schwab sa isang breakfast meeting kanina sa Phonm Penh, Cambodia.

Gaganaping ang World Economic Forum sa Switzerland mula January 16 hanggang January 20 sa susunod na taon.


Pinuri naman ni Schwab ang Pangulong Marcos dahil sa malakas na ekonomiya.

Ang attendance ng Pangulo sa World Economic Forum ay isang magandang oportunidad para sa global business community.

Pero sa pahayag ng Office of the Press Secretary, pinag-iisipan pa ng pangulo kung dadalo sa nasabing forum dahil marami raw itong mga nakalatag ng pagpupulong.

Facebook Comments