NAGHAHANDA NA | Davao City, target basagin ang Guinness World Record sa kategoryang ‘pinakamahabang banderitas’

46

Davao City – Naghahanda na ang Davao City na mabasag ang Guinness World Record para sa may pinakamahabang banderitas.

Target na magkaroon ng banderitas na may 200 kilometrong haba mula sa bayan ng Santa Cruz sa Davao Del Sur hanggang sa Mati City sa Davao Oriental.

Ang aktibidad ay sasalihan ng anim na lokal na pamahalaan.

Sa ngayon, hawak ng Germany ang record na may higit 17 kilometro haba na nakamit nila noong 2013.

Ang Longest Banderitas Bid ay ilulunsad sa Hunyo at bahagi ng 5th visit Davao Summer Fest na opisyal nang nagsimula.

Tampok sa summer fest ang sports, arts and culture, parties and leisure para sa mga turistang bibisita sa Davao.

Facebook Comments