Nagkaisa Labor Coalition, hinikayat ang bagong liderato ng Kamara na maglaan ng karagdagang pondo para sa public employment

Hinimok ngayon ng grupong Nagkaisa Labor Coalition si bagong House Speaker Lord Allan Velasco na maglaan ng karagdagang pondo para sa public employment.

Ayon kay Nagkaisa Labor Coalition Chairperson Atty. Sonny Matula, hindi biro ang malaking bilang ng mga walang trabaho sa bansa na nadagdagan pa dulot ng pandemya, kaya’t malaking hamon sa bagong liderato ng Kamara ang kanilang panawagan.

Nakikita ng grupo na hindi sapat ang pondo na inilaan dito ng gobyerno para sa susunod na taon.


Matatandaang may kabuuang ₱15.582 billion na pondo ang inilaan sa Department of Labor and Employment Office of the Secretary, ₱11.140 billion dito ay mapupunta sa Livelihood and Emergency Employment.

Facebook Comments