12 Sitio sa 3 Barangay ng Bontoc sa Mt. Province, Tinamaan ng ASF ang mga Alagang Baboy

Cauayan City, Isabela- Aabot sa 12 sitio sa tatlong (3) barangay ng Bontoc, Mt. Province ang apektado na rin ng African Swine Fever (ASF).

Batay sa abiso ng LGU Bontoc, kinabibilangan ng mga Sitio Riverside, Khefa,Pawek, Sadlan,Khawana,Fagkhay, Ator at Kalonglong sa Barangay Samoki ang apektado ngayon ng sakit ng mga baboy.

Hindi rin nakaligtas ang ilang alagang baboy sa Sitio Foyayeng, Pattig, Sokok ng Barangay Bontoc Ili at Sitio Cheppay ng Barangay Poblacion.

Ayon sa ulat, nakitaan ng pamumula sa balat, tenga, chest at abdomen ang mga alagang baboy gayundin ang mataas na lagnat, nawalan ng ganang kumain, pagtatae at pagsusuka.

Samantala, lahat ng mga naunang nakatay na baboy sa lugar ay kailangan ibenta lamang at ikonsumo sa mismong apektado lugar.

Patuloy naman ang monitoring ng Municipal Agriculture sa mga barangay na nakapagtala ng kaso ng ASF.

Facebook Comments