Naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa kahapon, sumampa na sa mahigit 3,000 na pinakamataas na arawang kaso sa loob ng limang buwan

Pumalo sa 3,389 ang naitalang panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito na ang pinakamataas na arawang kaso na naitala ng Department of Health sa loob ng limang buwan o simula noong Pebrero 2022.

Bunsod nito, umabot na sa 3,745,375 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas habang umakyat naman sa 24,478 ang active cases.


Sa nakalipas na dalawang linggo, nangunguna sa may pinakamataas na kaso ang mga rehiyon ng National Capital Region na may 11,112 cases, sinundan ng CALABARZON na may 6,592, Central Luzon – 3,007, Western Visayas – 2,309, at Central Visayas na may 1,222.

Umakyat rin sa 3,660,241 ang bilang ng mga gumaling sa sakit habang nadagdagan pa ng 15 ang panibagong nasawi dahilan para umabot na sa 60,656 ang COVID-19 death toll.

Sa ngayon ay nasa 24.5% na ang bed occupancy rate sa bansa o katumabas ng 7,109 na okupadong mga kama.

Facebook Comments