Kalibo, Aklan – Umabot sa siyam ang naitalang fireworks related injuries sa probinsya ng Aklan sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Ito ang inihayag ni PCpl. Leonilyn Artes ng Aklan PPO sa Rmn Kalibo.
Base sa kanilang tala ay 1 dito ang mula sa Kalibo, 2 sa Numancia, 2 sa New Washington at tag isa rin sa Ibajay, Balete, Altavas at Batan.
Ang nasabing mga biktima ay nagtamo lamang ng mga minor injuries.
Samantala, wala naman silang naitala na biktima ng stray bullet at indiscriminate firing.
Malaki rin aniya ang tulong dito ng walang humpay na information dissemination.
Sa kabilang banda may 710 na ipinagbabawal na paputok o five star ang nakumpiska ng Banga PNP sa isinagawang operation noong December 31.
May mga narekober din ang Malay PNP na mga inabandunang firecrackers sa isla ng Boracay partikular sa Sitio Bantud at Talipapa.
Sa ngayon ay patuloy naman na inaalam kung sino ang may ari nito.
May mga naitala ring insidente pero ito ay mga isolated lamang.

Facebook Comments