Cauayan City, Isabela- Nakapagtala ng 38 na vehicular accidents ang Office of the Civil Defense (OCD) Region 2 ngayong panahon ng Semana Santa sa Lambak ng Cagayan.
Batay sa inisyal na datos ng OCD RO2 as of April 13 hanggang 16,2022, mayroon ng 38 na insidente ng vehicular accidents ang rehiyon na may kabuuang 55 katao na nasugatan.
Sa Lalawigan ng Cagayan ay may 12 na naitalang aksidente sa lansangan; walo (8) sa Isabela; 17 sa Nueva Vizcaya at isa (1) sa probinsya ng Quirino.
Pinakamaraming nasugatan dahil sa aksidente ang naitala sa Tuguegarao City na aabot sa 13 injuries.
Samantala, patuloy pa rin nakaalerto ang OCD at iba pang ahensya ng gobyerno na nakadeploy sa kani-kanilang area of operation para matiyak ang kaligtasan ng bawat isa ngayong ginugunita pa rin ang mahal na araw.
Facebook Comments