NAKABUKAS NA NITSO | Masangsang na amoy sa loob ng South Cemetery, inireklamo

Manila, Philippines – Halos hindi masikmura ang masangsang na amoy na nalalanghap ng mga nakikilibing sa loob ng South Cemetery sa lungsod ng Maynila.

Ayon kay Allan Boado halos lahat ng nakilibing sa kanyang amang yumao na si Anastacio Boy Boado ay nakatakip ang mga ilong dahil sa masangsang na amoy na hindi malaman kung saan nanggagaling sa loob ng South Cemetery.

Napag alaman na matagal ng inirereklamo ng mga residente roon ang masangsang na amoy pero walang ginagawang hakbang ang pamunuan ng ng South Cemetery.


Pilit na kinukunan ng DZXL ang panig ng pamunuan ng South Cemetery pero wala pang tugon ang mga opisyal hinggil sa masangsamg amoy na nalalanghap ng mga nakikilibing sa loob ng sementeryo.

Paliwanag naman ni Boado marahil ay nanggagaling sa bukas na nitso ang masangsang na amoy na nalalanghap ng mga nakikilibing sa kanyang ama ni inilibing kanina sa South Cemetery.

Facebook Comments