TIMBOG | Tatlong personalidad, arestado sa ilegal na droga sa Pasig City

Pasig City – Bumagsak sa kamay ng Pasig Police Station Drug Enforcement Unit ang tatlong katao matapos mahulihan ng hinihinalang shabu ng magsagawa ng pot session sa loob ng Security Barracks Cerritos Residents Barangay, San Miguel Pasig City.

Nakilala ang mga suspek na sina Wilson Conopio, Manuel Ruiz, at Rommel Ramos y Gerona kapwa residente ng security barracks sa Cerritos Resident, Barangay san Miguel Pasig City.

Ayon kay PO1 Roy Duman-ag, nakatanggap ng tawag ang pulisya na may impormasyon nagsasagawa ang pot session ang tatlong suspek sa Barangay San Miguel Pasig City kung saan agad na nagtungo ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni PO3 Lito Villarosa at naaktuhan ang mga suspek na humihithit ng pinaghihinalaang shabu.


Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa sa mga suspek.

Facebook Comments