NAKAINOM | Isang lalaki, patay matapos barilin ng katrabaho

80

Aklan – Dead on arrival sa ospital ang isang lalaki matapos barilin ng katrabaho sa Barangay Jugas, New Washington, Aklan.

Nakilala ang biktima na si Johnny Inggal habang ang suspek ay kinilala naman na si Rondon Narciso kapwa nagta-trabaho bilang construction worker sa project ng national housing authority sa New Washington.

Dumating sa site ang suspek nang nakainom at agad na pinuntahan ang biktima na nagpuputol ng bakal at binaril.
Mabilis na tumakas ang suspek kaya at patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis para malaman ang motibo nito sa krimen.

Facebook Comments