NAKALIGTAAS | 11-anyos na babae, tinakang dukotin sa Pasay City

60

Pasay City – Nakaligtas ang labing isang taong gulang na babae matapos tangkaing dukutin ng isang lalaki sa Barangay 141 Zone 15, Pasay City.

Ayon kay SPD director Tomas Apolinario, nagbabantay tindahan ang biktima sa kanilang bahay nang lapitan ng suspek na si Ronnie Bracero Jr., 22-anyos .

Kinukumbinsi niya ang bata na sumama sa mall at nang tumanggi ay bigla niya itong hinatak papunta sa isang sasakyan na nakaabang malapit sa bahay ng biktima.

Mabuti na lang at nakita ito ng nanay ng biktima kaya agad na tumawag ng barangay.

Aminado ang suspek sa nagawa pero ayaw naman nitong aminin kung ano ang balak niya sa batang babae.

Facebook Comments