Nakatakdang pagpupulong nina German Chancellor Angela Merkel at US President Donald Trump, nakansela

7

Manila, Philippines – Kanselado ang nakatakda sanang pagpupulong nina German Chancellor Angela Merkel at US President Donald Trump.

 

Ito ay kasunod na rin ng nararanasang winter storm na inaasahang tatama ng northeastern ng Estados Unidos.

 

Ayon kay Merkel – tinawagan siya ni Trump upang ipaliwanag ang magiging malubhang epekto ng snow storm.

 

Sa kabila nito ay ni-reschedule naman sa lalong madaling panahon ang trip ni Merkel sa Amerika.

Facebook Comments