NAKORNER | Isang babaeng drug courier, arestado sa Parañaque City

ParaƱaque City – Nakorner ng mga otoridad ang isang babaeng drug courier sa ikinasang buy-bust operation sa parking area ng isang mall sa Barangay San Isidro, ParaƱaque City.

Kinilala ang suspek na si Geya Dyokoso na sinasabing miyembro ng drug group na nag-o-operate sa Metro Manila at Calabarzon.

Nakumpiska mula sa suspek ang nasa 15 plastic ng hinihinalang shabu na may bigat na kalahating kilo kung saan nagkakahalaga ito ng 3.4 million pesos.


Aminado naman ang suspek na ipinapa-deliver sa kaniya ang iligal na droga at nagawa lamang daw niya ito dahil sa malaing perang ibabayad sa kaniya.

Facebook Comments