UAAP – FEU Lady Tamaraws, pasok na sa finals ng Women’s Volleyball

Manila, Philippines – Nakapasok muli sa finals ang Far Eastern University (FEU) matapos ang siyam na taon sa UAAP Women’s Volleyball Tournament.

Ito’y makaraang talunin ang Ateneo Lady Eagles sa laban nila kahapon sa Mall of Asia Arena sa iskor na 25-20, 25-21, 14-25, 25-19.

Bumida si Bernadeth Pons na may 17 points, 19 receptions at 16 digs habang may 17 markers naman si Toni Rose Basas.


Sabi ni FEU coach George Pascua – pinaghirapan nilang mabuti ang panalo at marami silang naisakripisyo upang marating ito.

Makakasagupa ng lady tamaraw sa best of 3 finals kung sino man ang mananalo sa pagitan ng National University (NU) at De La Salle University (DLSU).

Facebook Comments