NAMATAAN | Granada – natagpuan sa galas, QC

20

Manila, Philippines – Isang granada ang natagpuan sa kanto ng E. Rodriguez at P.Tuazon, sakop ng Galas, Quezon City.

Alas-11:30 kaninang umaga nang makatanggap ng report ang Galas Police Station hinggil sa bomba.

Agad namang rumesponde sa lugar ang mga tauhan ng QCPD-explosive and ordinance division.

Isang MK2 fragmentation grenade ang kanilang narekober pero wala na itong kakayahang sumabog dahil tanggal na ang pin.

Dakong ala una, idineklara nang clear sa panganib ang lugar.

Facebook Comments