Boracay – Nagpapatuloy pa sa ngayon ang imbestigasyon ng BFP-Boracay sa nangyaring sunog kahapon sa may Balabag Plaza, Brgy. Balabag, Malay, Aklan. Ayon kay FO1 Keano Lim ng BFP Boracay na alas 3:05 nila natanggap ang fire call at agad sila na nagresponde sa lugar. Pagdating nila ay on progress na ang sunog sa boarding house na pagmamay-ari ni Mr. Federico Visca Sr. at sa 3 storey building na pagmamay-ari naman ni Mrs. Angelina Sacapaño kaya agad silang nagsagawa ng firefighting operations at nagsidatingan na rin ang iba pang mga fire volunteers sa isla. Ang nasabing boarding house ay gawa sa concrete at light materials na may 17 rooms kung saan 13 dito ang occupied habang ang 3 storey building naman ay nasunog ang ikatlong palapag dahil naabot ang trusses nito na kahoy. Walang naisalbang gamit ang mga boarders dahil nasa trabaho ang mga ito ng mangyari ang sunog. Na fire under control ang sunog alas 3:46 at na fire out alas 4:40 na ng hapon. Wala namang na injured sa mga responding team maliban kay Mr. Visca na nagtamo ng minor injury habang palabas na boarding house na agad namang na aplayan ng first aid. Sa ngayon ay nasa P 433, 500 pa lang ang inisyal na damage at posibleng tataas pa ito kapag makapag declare na ang mga may ari at boarders ng gamit nilang nasunog. Nagpaalala naman ang BFP na maging maingat sa pag gamit ng apoy at i-unplug ang mga hindi ginagamit na appliances para maiwasan ang sunog lalo pat parating na ang Undas.
Facebook Comments