MAY UTANG | 2 kumpanya, hinahabol ng BIR

Manila, Philippines – Dalawang pribadong kumpanya ang kinasuhan ng tax evasion ng BIR sa DOJ dahil sa hindi pagbabayad ng tamang buwis.

247-million pesos ang hinahabol ng BIR sa DOUBLE SCOOP MARKETING INC. At sa President/Chairman of the Board nitong si Raul Umali para sa taong 2011.

69-million naman ang buwis na hindi nabayaran ng DESTINY FIBERTECH MANUFACTURING CORP. at sa President nitong si Redentor Quintos para sa taong 2012.


Tiniyak naman ng BIR na patuloy ang kanilang paghabol sa iba pang delinquent business companies.

Facebook Comments