NANINDIGAN | First Family, walang kinalaman sa ibinunyag ng Customs x-ray expert sa magnetic lifters na may lamang shabu

Manila, Philippines – Nanindigan si Atty Lourdes Mangaoang, ang Customs x-ray expert na nagbunyag na may lamang shabu ang magnetic lifters na nasabat sa Cavite na walang kinalaman ang First Family sa kanyang ibinunyag na isyu.

Ayon kay Manaoang walang katotohanan ang mga ipinapalutang ng mga kritiko ni Pangulong Duterte na sangkot ang pamilya nito sa naturang isyu.

Partikular na nilinis ni Mangaoang ang pangalan ni dating Davao City Vice Mayor Paolo Pulong Duterte sa naturang isyu.


Paliwanag ni Atty. Mangaoang, hindi maghihirap mag hanap ng importer si dating Customs Intelligence Jimmy Guban kung kay Pulong ang naturang mga lifters dahil maraming kilalang importers ang dating Bise alkalde ng Davao.

Kaya naman nanawagan si Manaoang sa mga kritiko na patuloy na sumasakay sa isyu na huwag idawit ang unang pamilya dahil sa kanyang tagal na sa Customs ay wala siyang narinig na sangkot ang mga ito sa naturang kalakalan.

Facebook Comments