MALABO PA | Justice Sec. Guevarra, kinumpirmang malabo pang mailipat sa NBI si Customs intelligence Officer Jimmy Guban

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Justice sec. Menardo Guevarra na malabo pang dakpin ng NBI si Customs intelligence officer Jimmy Guban.

Ayon kay Guevarra, nagkasundo sila ni Sen. Richard Gordon na ililipat lamang si Guban sa kustodiya ng NBI kapag natapos na ang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa isyu ng shabu na isinilid sa magnetic lifters.

Kinumpirma rin ni Guevarra na ikinokonsidera na nilang isailalim sa witness protection program ng DOJ si Guban.


Kailangan lamang aniyang kumpletuhin ni Guban ang requirements sa ilalim ng programa

Si Guban ang nagbunyag ng mga impormasyong nalalaman ng shabu ang magnetic lifters na ipinuslit sa bansa.

Facebook Comments