NANLABAN | 7th most wanted person ng Calamba, Laguna – patay sa engkwentro

80

Calamba, Laguna – Patay matapos manlaban sa mga pulis ang 7th most wanted person ng Calamba, Laguna PNP.

Kinilala ang suspek na si Armando Moron, may tatlong bilang ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act mula sa Regional Trial Court branch 34 ng Calamba City.

Magsisilbi lang sana ang mga otoridad ng warrant of arrest laban sa suspek nang bigla silang paputukan nito.

Gumanti naman ang mga pulis na nagresulta ng pagkamatay ni Moron.

Nakuha sa kanya ang isang kalibre 45 baril, black handbag na may lamang magazine, mga bala at ilang sachet ng shabu.

Facebook Comments