NAPIKON | Isang lalaki, sugatan matapos pagtatagin ng kaniyang kainuman sa Capiz

Capiz – Sugatan ang isang lalaki matapos pagtatagain ng kanyang kainuman sa Barangay Agcococ, Tapaz, Capiz.

Kinilala ang biktima na si Elias Frias, 45-anyos habang ang suspek ay si Naldo Silivino na pawang mga residente sa naturang lugar.

Sa imbestigasyon, nagkainitan ang biktima at ang suspek habang nasa gitna ng kanilang inuman dahilan upang mauwi ang gulo sa pananaga.


Nagtamo ang biktima ng sugat sa kanyang balikat, ulo at hita na agad isinugod sa isang ospital sa Iloilo City.

Patuloy naman pinaghahanap ang suspek na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Facebook Comments