NANUMPA NA | Disiplinadong driver ng HPG-PNP, umarangkada na

Manila, Philippines – Umarangkada na ang disiplinadong driver ng Highway Patrol Group ng PNP.

Ito ay matapos panumpain at isinailalim sa seminar ang mga tatawaging road safety marshall.

Mga delivery courier ng LBC ang kauna unahang corporate supply chain na nagboluntaryo na magsilbing ambassador ng road safety.


Bilang ambassador, ang mga LBC courier ang magiging halimbawa sa pagsunod sa mga batas trapiko at road courtesy.

Ayon kay PSSupt. Oliver Tanseco, chief ng discipline and law and order, pangunahin sanhi pa rin ng kamatayan ang mga kaso ng road crashes na bunga ng hindi pagsunod sa bata.

Mula sa 32,269 na road crashes noong 2016, naibaba ito sa 27,481 noong 2017 dahil sa pinaigting na road safety activity.

Facebook Comments