8th Congressman Randolph Sera Ting Chess Cup, Kasalukuyan Na

Tuguegarao City, Cagayan – Kasalukuyang ginaganap ang isang chess tournament para sa mga kabataan sa Event Center ng SM Tuguegarao Downtown.

Ang torneo na may katagalan na ring isinasagawa ay binansagang 8th Congressman Randolph Sera Ting Chess Cup kung saan ay may nakapagpalista na 100 kalahok sa Kiddies Division para edad 12 pababa.

Samantala 102 naman ang nakapagpalista sa Juniors Division para sa edad 13 hanggang 19.


Sa pangkalahatan ay may 202 na kabataan ang kalahok sa torneo.

Marami sa mga naglalaro sa torneo ay mga magiging kalahok din sa Cagayan Valley Regional Athletic (CAVRAA) Meet Chess Event na magaganap sa Lungsod ng Tuguegarao simula Pebrero 19, 2018.

Ang torneo ay bahagi ng sports program ni Cagayan Congressman Randolph Randy S Ting katuwang ang Cagayan Chess Development Club at sa taong ito ay ang SM Tuguegarao Downtown.

Sa panayam ng RMN Cauayan News Team kay Ginoong Apolinario Agustin, founder at namamahala ng Cagayan Chess Development Club na siya ring nagsisilbing tournament manager sa kasalukuyang torneo, ang laro ay gagawin sa loob ng dalawang araw at magtatapos ito bukas sa araw ng Linggo.

Itinaon ang pagtatapos ng palaro sa kaarawan ni Congressman Ting ng Cagayan 3rd Congressional District na Pebrero 4.

Tuwang tuwa naman ang mga kabataan sampu ng kanilang mga magulang at coaches na lumahok sa torneong ito ng Chess sa lokalidad dahil mas lalong mahahasa ang kanilang mga anak sa larangan ng ahedres.

Facebook Comments