Nasa 200 dating kasapi ng MILF at MNLF, pasok sa clean list ng PNP sa recruitment

Aabot sa 200 miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF) ang pumasa sa physical at medical examinations Philippine National Police (PNP).

Ito’y bahagi ng kanilang integration program kung saan pumili ng mga pulis na mapapasama sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ayon kay PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo, pasok na sa clean list ang 200 na dating rebelde sa kanilang police recruitment process.


Galing ang mga ito sa 1,000 na kumuha ng special eligibility examinations.

Gayunman, sasalang pa rin sila sa masusing background investigation bago tanggapin sa PNP.

Matatandang ang pagpasok ng MILF at MNLF sa PNP ay covered ng Republic Act 11054 Organic Law for the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao matapos ang paglagda sa peace agreement.

Facebook Comments