Nasa likod ng pagpapasabog sa isang bus sa Sultan Kudarat, tukoy na ng militar

Posibleng ang Dawlah Islamiyah ang nasa likod ng pagpapasabog sa isang passenger bus sa Isulan, Sultan Kudarat nitong Lunes,

Sa nasabing insidente, pitong katao ang sugatan kabilang ang tatlong menor de edad.

Ayon kay Philippine Army 6th Infantry Division spokesperson Colonel Dennis Almorato ang pagsabog ay kahalintulad ng karaniwang mga galawan o signiture ng teroristang grupong Dawlah Islamiyah.


Una nang binuo ang provincial-level Special Investigation Task Group (SITG) upang matukoy ang mga nasa likod ng nasabing bombing incident.

Nagtutulungan narin ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) upang madakip ang mga salarin at mapanagot ang mga ito sa batas.

Sa ngayon, naka-full alert ang Sultan Kudarat Provincial Police makaraan ang insidente.

Matatandaang November 2022, isang unit ng Yellow Bus Line Inc., ang pinasabog sa kalapit-bayan na Tacurong City kung saan base sa report, nakatanggap ng extortion demands mula sa Islamic State-inspired Dawlah Islamiya ang management ng bus company.

Facebook Comments