Nasasakupan ng CAGELCO I, Nasa Higit Walumpong Porsiyento na ang Energization Status!

*Cauayan City, Isabela-* Nasa walumpu’t anim na porsiyento na umano ang energization status ng nasasakupan ng CAGELCO I sa pagpapanumbalik ng kuryente matapos patumbain ni bagyong Ompong ang mga poste ng kuryente sa Lalawigan ng Cagayan.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay General Manager Dave Solomon Siquian ng ISELCO II at Chairman rin ng Philippine Federation of Electric Cooperatives (PHILFECO), Abala pa rin sa ngayon ang kanilang tropa sa pag-aayos ng mga kuryente matapos humagupit ang bagyong Ompong.

Aniya, katuwang umano sa mabilis na pagpapanumbalik ng kuryente ang Power Restoration Rapid Deployment (PRRD)Task Force maging ang ISELCO 1, ISELCO 2, NUVELCO at QUIRELCO upang tumulong sa pagsasaayos ng kuryente sa Cagayan.


Umaasa naman si GM Siquian na sa buwan ng Nobyembre ay maaayos na rin ang lahat ng daloy ng kuryente sa buong Lalawigan ng Cagayan.

Facebook Comments