National Children’s Book Reading Day- Cauayan City, Matagumpay na Idinaos!

Cauayan City- Masayang nakiisa ang SM City Cauayan sa pagdiriwang ng National Children’s Book Reading Day na nilahukan ng mga Grade 1 pupils ng San Fermin Elementary School dakong alas dyes y medya kaninang umaga, Hulyo 17, 2018.

Una rito ay bakas ang kaligayahan sa mukha ng mga batang lumahok at nakinig sa mga kwentong binasa gaya ng “Duck and Crock’s Magnificent Race” at “Duck and Crock meet Collect Alligator” sa pangunguna ni Marianne Pablo ng SM City Cauayan at ang Mutya ng Santiago City na si Hebah Alkhaled.

Sa naging panayam ng RMN Cauayan kay Shiela Marie Estabillo, ang Mall Manager ng SM City Cauayan, taon-taon umanong nakikiisa ang naturang mall sa ganitong aktibidad at ito na rin umano ang ikaapat na taon na pakikilahok ng SM City Cauayan sa National Children’s Book Reading Day.


Dagdag pa niya, ang pakikiisa umano sa ganitong aktibidad ay saklaw ng SM Committee on Youth and Children’s Welfare kung saan ay layunin nilang pataasin at linangin ang karunungan ng mga batang nasa murang edad.

Sa pakikipagtulungan naman ng National Book Store at ng Anvil Publishing ay namahagi sila ng nasa mahigit pitong libong aklat at pitumpung libong lapis para sa library ng San Fermin Elementary School.

Samantala, sa ngayon ay isa nanaman umano itong makasaysayang matagumpay na pagdiriwang ng National Children’s Book Reading Day sa naturang mall sa pamamagitan na rin ng tulong ng DepEd.

Facebook Comments