Kalibo, Aklan— Mag-aabot ng tulong ang National Electrification Administration o NEA sa Aklan Electric Cooperative ngayong taon.
Ito ang naging pahayag ni NEA Administrator Edgardo Masongsong sa panayam ng RMN DYKR Kalibo.
Aniya na sa oras na ma appropriate ngayong 2020 ang P 750 million na pondo mula sa national government para sa ECERF o Electric Cooeprative Emergency Resiliency Fund ay mababahagian nito ang AKELCO na lubos na naapektuhan ng bagyong Ursula.
Sa pamamagitan ng NEA ay naimobilize rin ang iba’t ibang Electric Cooperative para tumulong bilang bahagi ng Power Restoration Rapid Deployment (PRRD) o Task Force Kapatid.
Dagdag pa ni Director Masongsong na darating pa ang karagdagang mga linemen para isa-ayos ang mga kawad ng kuryente at mga poste na sinira ng bagyo.
Kung papalarin aniya ay target nilang mapa aga ang pag restore ng kuryente sa Aklan sa Enero 31 mula sa naunang target date na Pebrero 9.
National Electrification Administration may financial assistance para sa AKELCO.
Facebook Comments