Manila, Philippines – Nagpalabas na ng guidelines ang National Food Authority upang matiyak ng publiko na ang kanilang binibiling bigas ay tunay at hindi ang kumakalat na fake rice.
Ayon kay NFA Administrator Jason Laureano Aquino – una dapat seguraduhin ng publiko na accredited ng ahensya ang kanilang pinagbibilhan rice retailers.
Madali rin aniyang malaman ang tunay na bigas dahil mayroong paumbok na bahagi ang butil at parang may kanal na nakaukit.
Magkakaiba din ang hugis ng mga butil, patagilid na patusok ang hugis ng kabilang dulo nito at wala itong kakaibang amoy kapag niluto at pang huli wala itong foam like substance sa ibabaw ng lutong kanin.
Maliban sa hugis ng butil dapat malaman din ng mamimili ang amoy ay katulad ng plastic o kaya’y synthetic materials.
Payo ng NFA sa publiko, kapag sa tingin ninyo na fake ang nabiling bigas dapat isailalim agad sa laboratory analysis upang agad na Masuri.