National Simultaneous Earthquake Drill isasagawa sa Dagupan City

Dagupan City – Bilang paghahanda ng City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) sa maaaring pagtama ng malakas na lindol sa lungsod pangungunahan nila ang aktibong pakikilahok sa National Simultaneous Earthquake Drill sa June 20, 2019.

Sa katunayan inuunti-unti ng kanilang opisina na magbigay ng lecture hinggil sa mga dapat tandaang gawin sa oras ng lindol at pagkatapos. Importante na malaman ang mga basics na gagawin sa panahon ng sakuna partikular na kapag may lindol upang maiwasang mag-panic, maligtas ang sarili, at iba pang tao.

Di kaila na nasa faultline ang Dagupan City na nakaranas na ng magnitude 7.7 at intensity 9 noong July 16, 1990 kung saan nasira ang buong lungsod kasama ang lungsod ng Baguio City at karatig probinsya.


Facebook Comments