Pumalo na sa 2, 674, 128 o 71. 9% ang bilang ng mga fully vaccinated individuals kontra COVID-19 sa Ilocos Region, ayon sa Department of Health-Center for Health Development 1 (DOH-CHD1).
Nasa 3, 719, 256 ang target population ng rehiyon na mabakunahan upang maabot ang 100% herd immunity laban sa pandemya.
Ayon kay Dr. Rheuel Bobis, DOH-CHD1 Information Officer, bago matapos ang buwan ng enero target na maturukan ang natitira pang isang milyon.
Dahil dito mas paiigtingin ang COVID-19 Vaccination program kung saan dalawang beses na isasagawa ang 3-day vaccination drive o Bayanihan Bakunahan, house-to-house activities at activation ng mga vaccination site sa mga barangay.
Ang Ilocos Norte, Ilocos Sur at La Union ay nakapagbakuna na ng higit 80% ng kanilang target population at ang Pangasinan ay nasa higit 70% na ang nabakunahan.
Nasa 78, 791 na katao naman o 2% ang nabigyan ng booster shot sa sa rehiyon. Ang rehiyon ay mayroong 5. 3 milyong populasyon sa kasalukuyan. | ifmnews
Facebook Comments