Mas maraming bakuna, ipapadala sa Cagayan de Oro

45

Inaprubahan ng National Task Force (NTF) ang dagdag na suplay ng bakuna sa Cagayan de Oro.

Ayon kay Deputy Speaker Rufus Rodriguez, inaprubahan ni National Vaccination Czar Sec. Carlito Galvez ang kanyang request para sa dagdag na booster jabs sa kanyang distrito.

Ang hiling ng kongresista na dagdag na booster vaccines ay bunsod na rin ng biglang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lugar kung saan sa 11 cases na naitala noong January 4 ay nasa 43 na ang mga kasong naitala mula kahapon.


Inaasahang darating ang mga bakuna sa mga susunod na araw.

Sinabi pa ni Rodriguez na kailangan nila na mabakunahan ang maraming residente lalo’t hindi pa nila nakakamit ang herd immunity.

Nagpapasalamat naman ang mambabatas kay Galvez at kay National Vaccination Operations Center Head at Health Undersecretary Myrna Cabotaje sa paggawad sa kanyang request.



Facebook Comments