NATUPOK | Halos 500 pamilya, nawalan ng bahay sa sunog sa Sta. Cruz Maynila

Manila, Philippines – Halos 500 pamilya ang naapektuhan ng sunog sa Oroqueta Street kanto ng Doroteo Jose, Sta. Cruz, Maynila.

Dakong alas-7 ng gabi nang sumiklab ang sunog na itinaas sa Task Force Bravo bago naapula alas-12:34, sabado ng madaling araw.

Dahil sa sunog, pansamantalang isinara ang tulay na nagkokonekta sa LRT 1 Doroteo Jose station at LRT 2 Recto station at maging ang north entrance ng Recto station.


Ilikas rin ang ilang mga pasyente ng Fabella Hospital at inilipat sa covered court ng ospital.

Maliban rito, pinalikas rin sa open round ang mga presyo ng Manila City Jail para hindi sila madamay.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), mahigit 200 kabahayan na pawang gawa sa light materials ang natupok sa sunog.

Sugatan naman ang limang tao kabilang ang isang bumbero.

Patuloy namang inaalam ang pinagsimulan ng sunog.

Facebook Comments