Navotas, may alokasyon na ng COVID-19 vaccine

29

Masayang ibinalita ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na mayroon nang alokasyon na 300 COVID-19 vaccines na Sinovac para sa mga frontliners sa lungsod.

Ayon kay Tiangco, si Dr. Mario Panaligan, na isa sa mga naging resource speakers ng lungsod sa COVID-19 situationer ay nagpabakuna na ng Sinovac.


Diin ni Tiangco, importante na mabakunahan agad ang mga medical workers.

Paliwanag ni Tiangco, sila kasi ang pinaka may tsansang mahawaan ng COVID-19 dahil sa kanilang trabaho.

Base sa pinakahuling tala ng pamahalaang lokal, ay umaabot na sa 6,175 ang kabuuang bilang ng positibong kaso ng COVID-19 sa lungsod kung saan, 378 na lang ang aktibo habang 5,602 ang gumaling na.

Facebook Comments