NAWALAN NG KONTROL | Isang pahinante, patay matapos maaksidente ang sinasakyang truck

Pangasinan – Patay ang isang pahinante matapos maaksidente ang sinasakyan nitong 10-wheeler truck sa Brgy. Barangobong, Tayug, Pangasinan.
Sa ulat, nawalan ng kontrol sa manibela ang driver na Si Raymund Velarde kaya’t bumangga sila sa konkretong pader.
Nahulog mula sa taas ang pahinante na si Reynaldo Jovenal na siyang naging dahilan upang maipit ito sa pagitan ng trailer at ulo ng tractor.
Pahirapan naman matanggal ang biktima dahil sa pagkakaipit nito kung saan dito na din siya namatay.
Sa ngayon, patuloy pa din iniimbestigahan ng mga otoridad ang nasabing insidente.

Facebook Comments