Nawawalang Cessna plane sa Northern Luzon, hindi pa rin matagpuan

Pansamantalang itinigil ng rescuers ang paghahanap sa nawawalang Cessna plane sa pagitan ng Cayauan at Maconacon sa Isabela.

Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Spokesman Eric Apolonio, ito at dahil sa masamang panahon.

Kahapon ng hapon pa umalis ng Cauayan Airport ang nasabing eroplano patungo sana ng Maconacon Island sa Isabela.


Ayon kay Apolonio, kalahating oras lamang ang pagitan ng Cauayan Airport at Maconacon Island pero hanggang ngayon ay blangko ang rescuers sa lokasyon ng eroplano.

Anim ang sakay ng nawawalang eroplano kasama na ang piloto.

Sa huling pakikipag-ugnayan ng piloto sa air traffic control kahapon, ang lokasyon nito ay nasa bisinidad ng Naguillian Bridge.

Facebook Comments