NBA | Boston Celtics, naungusan ang OKC Thunder

NBA – Isinalpak ni Marcus Morris ang kaniyang three-point shot may 1.2
seconds na lang ang natitira sa laro para ibigay ang 100-99 na panalo sa
Boston Celtics kontra Oklahoma City Thunder.

Tila hawak na ng Thunder ang panalo pero hindi nila nadepensahan si Morris
na kalmadong ipinasok ang game-winning shot.

Wala sa line-up ng injury-depleted Boston sina Kyrie Irving, Jaylen Brown
at Marcus Smart pero hindi pa rin ito nakapigil sa Celtics para maungusan
ang Thunder ni Russell Westbrook.


Facebook Comments