NBA | Houston Rockets, ayaw pa rin paawat sa pananalasa

34

NBA – Hindi pa rin lumalamig ang mainit na opensa ng Houston matapos nilang maitala ang kanilang ika-sampung panalo kontra sa Chicago sa NBA.

Tinambakan kasi ng Rockets ang Bulls 118-86.

Samantala sa ibang laro…

Panalo ang Indiana Pacers sa Golden State Warriors, 92-81.

Wagi rin ang Washington Wizards kontra San Antonio Spurs, 116-106.

Winalis naman ng Miami Heat ang Cleveland Cavaliers, 98-79 at di naman pinalusot ng Portland Trailblazers ang New Orleans Pelicans 107-103.

Facebook Comments