NBA | Ilang mga nominado para sa special awards sa NBA, inilabas na

24

Inilabas na ng NBA ang mga nominado para Rookie of the Year Awards.

Ilan sa mga ito ay ang mga nagpakitang gilas na mga player sa playoffs tulad nina Donovan Mitchell ng Utah Jazz, Ben Simmons ng Philadelphia 76ers at Jayson Tatum ng Boston Celtics.

Habang maglalaban naman sa Coach of the Year sina Quin Snyder ng Utah Jazz, Brad Stevens ng Boston Celtics at ang pinatalsik na coach ng Toronto Raptors na si Dwayne Casey.

Una ng inilabas ang mga maglalaban-laban para sa NBA Most Valuable Player Awards kung saan nominado dito sina Anthony Davis ng New Orleans Pelicans, James Harden ng Houston Rockets at Lebron James ng Cleveland Cavaliers.

Facebook Comments