NBA | Players ng mananalong team sa All Star Game, tatanggap ng tig-$100K o P5 milyon

NBA – Para mas ganahan maglaro at magpakita ng depensa tatanggap ng bonus na $100,000 o tumataginting na limang milyong piso ang kada-player ng mananalong koponan sa NBA All Star Game na gaganapin sa Los Angeles sa darating na February 18.

$25,000 naman ang mapupunta sa mga player ng matatalong koponan.

Dati-rati kasi $50,000 kada isa ang premyo ng mananalong koponan pero tinaasan ito ng liga para mas ganahan at maglaro ng mas maayos ang mga itinuturing na mga supertar ng liga.


Patok naman sa mga player ang pagbabagong ito dahil hindi na biro ang perang nakataya sa All Star Game.

Facebook Comments