NBA | Stephen Curry at LeBron James, nahirang na mga team captain sa NBA All-Stars

Manila, Philippines – Pangungunahan ni Stephen Curry ng Golden State Warriors ang West samantalang si LeBron James ng Cleveland Cavaliers naman ang magtratrangko sa East sa gaganaping 2018 NBA All Star Game sa Los Angeles.

Ang dalawa kasi ang may pinakamaraming boto galing sa mga fans, player at mga miyembro ng media.

Kasama naman ni Curry sa top vote getter sina James Harden ng Houston Rockets, teammate Kevin Durant, Anthony Davis at DeMarcus Cousins ng New Orleans Pelicans.


Samantalang sa East, kasama ni James sa mga maraming boto sina Kyrie Irving ng Boston Celtics, DeMar DeRozan ng Toronto Raptors, Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks at Joel Embiid ng Philadelphia 76ers.

Dahil sila ang mga team captain, pipili sina Curry at James ng kanilang mga kakampi mula sa walong starters at labing apat na mga reserve para makumpleto ang kanilang koponan.

Gaganapin ang NBA All Star Game sa February 18.

Facebook Comments