Saturday, January 24, 2026

NBI, kinontra ang akusasyon ni DILG Sec. Jonvic Remulla na may ahente umanong konektado kay Atong Ang

Mariing kinontra ni NBI Director Angelito Magno ang pahayag ni DILG Secretary Jonvic Remulla na may ilang ahente umano ng National Bureau of Investigation ang konektado kay gaming tycoon Charlie “Atong” Ang.

Ayon kay Magno, wala siyang nalalamang impormasyon sa ngayon na may mga tauhan ng NBI na nagsisilbing bodyguard ni Ang.

Gayunman, tiniyak ng NBI chief na makikipag-ugnayan siya kay Secretary Remulla upang makuha ang mga pangalan ng mga ahente na sinasabing may ugnayan sa nasabing negosyante, kung mayroon man.

Matatandaang una nang inihayag ni Secretary Remulla na may ilang tauhan umano ng NBI ang nagsilbing bodyguard ni Ang bago pa man naging Justice Secretary ang kanyang kapatid na si Ombudsman Jesus Crispin Remulla.

Facebook Comments