4 na suspek sa pagbebenta ng illegal na droga nahuli ng PDEA sa Brgy. San Juan, Surigao City

4 na suspek sa pagbebenta ng illegal na droga nahuli ng PDEA sa Brgy. San Juan, Surigao City. Kinilala ang nahuli na si Regina Ugay alias Malat, 27 taong gulang at diumano’y nagpapatakbo ng drug den sa Sitio Alingit, Brgy. San Juan, Surigao City. Kasama ring hinuli ang mga bisita na sina Sirgreg Cuizon alias Loloy, 18 taong gulang, Joshua Adonis Iligan alias Butoy/Dangas, 22 taong gulang at isang alias Jun-Jun, isang menor de edad. Nakuha mula sa kamay ng mga ito ang 4 na sachet sa pinaghihinalaang shabu, drug paraphernalias at iba pa. Nakatakdang sampahan din ang mga ito sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Drugs Act of 2002.

Facebook Comments