NCR, nasa low risk na sa COVID-19

Maituturing ng nasa low risk sa COVID-19 ang Metro Manila.

Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, bumaba na sa 6% mula sa 8% ang positivity rate sa National Capital Region (NCR).

Habang ang Average Daily Attack Rate (ADAR) ay bumaba na rin sa 7 kada sa 100,000 indibidwal.


Sinabi rin ni David na ang seven-day average ng bagong kaso sa Metro Manila ay bumaba sa 901 mula sa 1,405 na naitalang bagong kaso noong nakaraang linggo.

Aabot naman sa 35% ang healthcare utilization rate sa rehiyon habang 46% ang Intensive Care Unit (ICU) occupancy rate.

Facebook Comments