Manila, Philippines – Humingi ng paumanhin si National Capital Region Police Office Chief Major General Guillermo Eleazar sa kaniyang inasal nang makaharap ang isang pulis ng Eastern Police District (EPD) na umano’y sangkot sa robbery extortion.
Pero giit ni Eleazar, nararapat lang kay Police Corporal Marlo Quibete ang kaniyang ginawa.
Matatandaang inaresto si Quibete matapos ireklamo ng live-in partner ng nahuli nilang drug suspect ng pangingikil.
Hinimok naman ni Eleazar ang mga biktima at mga nagsusuplong sa mga tiwaling pulis na huwag umatras sa laban.
Aniya, malaking bagay ang pormal na reklamo ng mga biktima sa pagsusulong ng kasong kriminal laban sa mga police scalawag.
Aniya, hiwalay pa ito sa kasong administratibo na isasampa sa mga tiwaling pulis.